BULACAN, Philippines – Pito-katao na sinasabing notoryus na drug pusher ang nasakote ng mga operatiba ng pulisya sa isinagawang magkahiwalay na drug bust operation sa Meycauayan City, Bulacan kamakalawa. Pormal na kakasuhan ang mga suspek na sina Samuel “Sam” Ilasco ng Northville 3, Brgy. Bayugo; Wilfredo Madrid ng Brgy. Perez; Bernard Salor ng Brgy. Bahay Pare; Jimmy Bocton ng Brgy. Perez; Jonathan Natural ng Brgy. Bagbaguin; Johanie Gaza ng Brgy. Poblacion; at si Ronald Cabason ng Brgy. Bagbaguin sa Caloocan City. Base sa ulat na isinumite kay P/Supt. Lailene Amparo, nadakip si Ilasco sa buy-bust operation habang ang lima pa ay naaktuhan sa pot session sa isang bahay sa Sto. Niño Subdivision sa Brgy. Perez. Nasamsam sa mga suspek ang ilang drug paraphernalia at pakete ng shabu na nagkakalaga ng P25,000. Samantala, si Gaza naman ay nadakip sa inilatag na buy-bust operation sa tulay ng Brgy. Poblacion kung saan nasamsam ang apat na plastic sachets ng shabu na nagkakahalaga ng P25,000.