Engineer pinabulagta

NORTH COTABATO, Philippines – Pinabulagta ang isang inhinyero makaraang pagbabarilin ng mga di-kilalang lalaki sa bahagi ng Barangay Illustre sa bayan ng Pres. Roxas, North Cotabato kamakalawa ng hapon. Naisugod pa sa bahay-pagamutan pero binawian din ng buhay si Engr. Nilo Centos ng Barangay Santo Niño sa bayan ng Arakan, North Cotabato. Sa ulat na nakarating kay P/Chief Insp. Bernard Tayong, tagapagsalita ng Cotabato PNP Provincial Office, nagmomotorsiklo ang biktima patungo sa kanyang bahay mula sa Kidapawan City nang harangin at pagbabarilin pagsapit sa nasabing lugar.  Sinisilip naman ng mga imbestigador ng pulisya ang anggulong may kinalaman sa trabaho ng biktima ang naganap na pamamaril.

Show comments