^

Probinsiya

Task force sa 4 batang dinukot, binuo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bumuo kahapon ng Special Investigation Task Group (SITG) “Batang Anghel” ang Batangas City Police dahil sa serye ng pagdukot sa mga bata kabilang ang apat pang nawawala ng hindi kilalang abductors sa nasabing lungsod.

 Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Wilben Mayor, patuloy ang pagsisikap ng pulisya upang matunton ang mga dinukot na bata na nagkaka-edad ng 8-14.

 Una nang naalarma ang mga residente ng Batangas matapos mapaulat na 10 menor-de-edad ang dinukot sa iba’t ibang lugar sa lalawigan sa loob lamang ng isang linggo.

Ang serye ng pagkawala ng mga bata ay nai-post sa social media. Gayunman, ilan sa mga bata ang nahanap at nakabalik na sa kanilang mga pamilya.

Ang mga bata ay napaulat na nawawala umpisa pa noong Agosto 27, 2015  ng gabi matapos silang hilahin at tangayin habang nasa jeepney ng ‘di kilalang kala­lakihan. 

Nasundan pa ang insidente nitong Setyembre 2-3 na ikinaalarma na ng mga residente sa lalawigan dahil sa  sunud-sunod na pagdukot sa mga bayan ng Bauan, San Pascual at Batangas City.

ACIRC

ANG

BATANG ANGHEL

BATANGAS CITY

BATANGAS CITY POLICE

MGA

MIMAROPA

NBSP

SAN PASCUAL

SPECIAL INVESTIGATION TASK GROUP

SPOKESMAN CHIEF SUPT

WILBEN MAYOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with