4 arestado sa P.4-M shabu

BULACAN, Philippines – Apat-katao kabilang ang ex-bodyguard ng asawa ng gobernador ang nasakote matapos nakumpiskahan P.4-milyong halaga ng shabu sa isinagawang drug bust operation ng mga tauhan ng Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 3 sa Barangay Tartaro, bayan ng San Miguel, Bulacan kahapon ng umaga. Pormal namang kakasuhan ang mga suspek na sina Reynaldo “Polbo” Paraon, 48; Lilia Mercado, 42; Enrique Pangilinan, 40; at si Shane Condez, 21, mga nakatira sa Brgy. Tartaro sa nasabing bayan. Bandang alas-10 ng umaga nang salakayin ng mga tauhan ng PDEA ang bahay ni Paraon sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Judge Primo Sio ng Cabantan City Regional Trial Court Branch 23, Nueva Ecija. Nasamsam sa mga suspek 15 pakete ng shabu, digital weighing scale at mga drug paraphernalia.

Show comments