NORTH COTABATO, Philippines – Maagang sinalubong ni kamatayan ang 35-anyos na human resource officer ng call center makaraang pagsasaksakin hanggang sa mapatay ng di-kilalang lalaki sa loob ng sementeryo sa Barangay La Paz, Iloilo City sa Iloilo kahapon.
Nagtamo ng dalawang tama ng saksak sa likuran ang biktimang si Ricky Vintar ng Dumarao, Capiz subalit pansamantalang naninirahan sa Molo, Iloilo City at human resource officer sa call center.
Ayon kay PO3 Antonio Santanes, sinabi ng ilang residente na malapit sa nasabing lugar na may narinig silang humihingi ng tulong mula sa loob ng Jereos Cemetery.
Natagpuan ang bangkay ng biktima na may hawak pa ng cell phone kung saan posibleng humihingi pa ito ng tulong, ayon sa pulisya habang patuloy naman ang imbestigasyon.