128 nalason sa kinaing noodles

STAR/File photo

NORTH COTABATO, Philippines – Umaabot sa 128-katao ang nalason matapos kumain ng noodles sa isinagawang outreach program ng isang religious sector sa Barangay Takunil, bayan ng Lake Sebu, South Cotabato, ayon sa report kahapon. Ito ang ipinaabot na impormasyon ni Lake Sebu Mayor Antonio Fungan kung saan karamihan sa mga biktima ay may edad pito hanggang 12 at ng mga magulang ng mga ito mula sa anim na sitio sa nasabing barangay. Isa sa sinasabing nakalason sa mga biktima ay ang bihon na ipinakain kaugnay sa selebrasyon ng anniversary ng religious group kahapon kung saan isinagawa ang  community outreach. Patuloy na inoobserbahan sa ospital ang mga biktima habang isinailalim na sa pagsusuri ang nasabing pagkain.

 

Show comments