Mister nakipagbalikan sa misis, tinodas ng bayaw

MANILA, Philippines – Pinagbabaril at pinagtataga ang isang lalaki ng mismong bayaw nito naganap noong Huwebes ng hapon sa Purok Rajah Buayan,Barangay Bentung, Polomolok, South Cotabato.

Namatay noon din ang biktima na kinilalang si Basit Baguinid Otto, nasa hustong gulang at residente ng Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Tumakas ang suspek na si Marjun Kawit Otto, alyas Marjun Andatuan Kawit, 23, binata at residente ng Polomolok.

Sa imbestigasyon ng Polomolok PNP, sinundan ng biktimang si Basit ang dating asawa nito na si Baylen Otto sa bahay ng ina upang yayaing makipagbalikan sa kanya ngunit hindi ito pumayag.

Kumuha umano ng patalim si Basit upang takutin ang dating misis na sumama sa kanya ngunit nakita ito ng kapatid na si Marjun.

Dito ay pinagbabaril ni Marjun gamit ang kalibre 45 si Basit at hindi pa nakuntento ay  kinuha ang dalang itak at tinaga ang biktima sa ulo na naging dahilan agarang pagkamatay nito.

Show comments