2 angkan nagsagupa: 8 bulagta

Philstar.com/File

MANILA, Philippines – Walo-katao ang iniulat na napatay matapos na magbakbakan ang dalawang magkalabang angkan sa Barangay Pislong, bayan ng Siasi, Sulu noong Martes ng hapon.

Ayon kay Brig. Gen. Allan Arrojado, commander ng Joint Task Group Sulu, sumiklab ang palitan ng putok sa pagitan ng angkan nina Chairman Rashid Hadjiluddin ng Sitio Masilam, Brgy. Pislong at  ng grupo ni Allam Sayadi.

Nagulantang na lamang ang mga residente sa sunud-sunod na putok ng baril na nagmumula sa magkalabang grupo.

Umabot sa 40-minuto ang bakbakan kung saan napatay sina Sakili Musahari, Koler Amado, at anak ni Allam na si Mackdil Allam, at limang iba pa na hindi pa natukoy ang pagkakakilanlan.

Samantala, sugatan naman sina Alsid Ilaji at Allam Sayadi, lider ng mga na­nguna sa pag-atake  laban kina Hadjilludin.

Samantala,namagitan na rin ang pulisya at militar laban sa magkalabang angkan upang maiwasan ang muling pagdanak ng dugo.

Show comments