Mag-utol nilamon ng tubig-baha

OLONGAPO CITY, Philippines  – Maagang sinalubong ni kamatayan magkapatid na bata habang dalawa naman ang nawawala makaraang tangayin ng tubig-baha ang kanilang bahay sa tabing ilog sa Barangay Mangan-Vaca sa bayan ng Subic, Zambales kahapon ng madaling araw. Sa ulat ng Zambales Provincial Disaster Risk Reduction Management Coordination Council, kinilala ang magkapatid na sina Regienyr M. Quintero, 9-buwang gulang at Rian Layn M. Quintero, 2, habang nawawala naman ang isa pang 5-anyos na kapatid na si R-Glen M. Quintero. Tinangkang sagipin ng ama na si Reggie ang kanyang mga anak subalit mas mabilis ang agos ng tubig-baha na lumamon sa mga bata. Kanselado naman ang mga klase sa lahat ng antas sa Olongapo City dahil sa patuloy na buhos ng ulan.

 

Show comments