Liason officer ng NPA, dakma

Nasamsam sa suspek ang isang cal. 45 pistol, granada, tatlong cellular phones, 13 sim cards, P5,000  cash at personal na gamit. Philstar.com/File

MANILA, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng isang liason officer ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) matapos madakip sa inilatag na operasyon ng mga operatiba ng militar at pulisya sa Barangay Sirawan, Toril District, Davao City kamakalawa ng gabi. Isinailalim sa tactical interrogation ang suspek na si John Omega “Part” Nebris na sinasabing  opisyal ng  NPA Southern Mindanao Regional Committee. Nasamsam sa suspek ang isang cal. 45 pistol, granada, tatlong cellular phones, 13 sim cards, P5,000  cash at personal na gamit. Patuloy naman ang pagtugis ng mga operatiba ng pulisya at militar laban sa tatlong NPA na sumira sa apat na backhoe, dalawang graders, isang crane at dump truck sa bayan ng Sta. Cruz, Davao Del Sur noong Sabado ng gabi.

Show comments