Lider ng criminal gang, arestado

LUCENA CITY, Quezon, Philippines – Bumagsak sa kamay ng batas ang lider ng notoryus criminal group na kumikilos sa una at ikalawang distrito ng Quezon sa inilatag na operasyon ng mga tauhan ng Lucena PNP at Quezon CIDT sa Purok Tanglaw, Barangay 8 sa Lucena City, Quezon kamakalawa ng umaga. Nakapiit na ngayon ang suspek na si Michael Gracilla, alyas Bin Laden, 30, lider ng Gracilla Gang na sinasabing sangkot sa gun-for-hire, drug trafficking, drug pushing at holdap. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Joel de Mesa, hepe ng Lucena City PNP, sinalakay ang bahay ng suspek sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Agripino Morga ng San Pablo City Regional Trial Court Branch 32 sa Laguna. Nasamsam sa suspek ang isang magnum cal. 22 revolver, rifle grenade, granada at mga bala.

Show comments