^

Probinsiya

3 tiklo sa P.7-M shabu

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kalaboso ang tatlo-katao kabilang ang isang kawani ng pamahalaan ang nasakote ng mga operatiba ng pulisya makaraang makumpiskahan ng P.7 milyong halaga ng shabu sa isinagawang drug bust operation sa bisinidad ng Sangi Road, Barangay Pajo sa Lapu-Lapu City, Cebu kamakalawa ng madaling araw.

Isinailalim sa tactical interrogation ang mga suspek na sina Salvador Monterola, 25; Ronnie Espina, 25; at si Junichi Igot, 23, kawani ng city’s Public Attorney’s Office.

Ayon kay P/Senior Inspector Vernino Noserale, hepe ng Lapu-Lapu City PNP Intelligence Branch,  puntirya ng drug bust operation si Monterola na sinasabing sangkot sa pagpapakalat ng droga sa nabanggit na barangay kung saan nagpalabas ng search warrant si Judge Toribio Quiwag.

Si Monterola ay nasakote na  sa kasong pagtutulak ng droga at nakapagpiyansa lamang kaya nakalaya habang si Espina naman ay tumatayong ‘runner’.

Sinalakay ng mga operatiba ng pulisya ang bahay ni Monterola kung saan may mga nakakabit pang close-circuit television (CCTV) camera

Nasamsam kay Monterola ang 10 pakete ng shabu, sling bag na naglalaman ng P2,000 cash at cal .357 pistol na may anim na bala.

Arestado rin sina Espina at Igot matapos maaktuhan sa pot session kung saan nasamsam ang 5 plastic sachet ng shabu, plastic containers, drug paraphernalia at ang motorsiklo ni Espina. Isinalin sa Tagalog ng patnugot

ANG

BARANGAY PAJO

ESPINA

INTELLIGENCE BRANCH

JUDGE TORIBIO QUIWAG

JUNICHI IGOT

LAPU-LAPU

LAPU-LAPU CITY

MONTEROLA

PUBLIC ATTORNEY

RONNIE ESPINA

SALVADOR MONTEROLA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with