^

Probinsiya

Bangka lumubog: 2 mag-aaral dedo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawang estudyante ang namatay habang apat naman ang nasagip at isa pa ang nawawala makaraang lumubog ang sinasak­yang bangka sa karagatan ng Point Putangi sa Barangay Taruc, bayan ng Socorro sa Surigao del Norte noong Biyernes ng hapon.

Dalawa sa mga estud­yanteng nalunod ay naki­lalang sina Lara Dacera, 16, Grade 10; at Ayanie Elandag, 16, Grade 9 habang nailigtas naman ang apat na sina Leziel Mascardo, 16; Analou Enago, 16; Resma Taro, 15, at si Joshua Mascardo na pawang mag-aaral sa Nueva Estrilla National High School at mga nakatira sa Brgy. Nueva Estrilla sa nasabing bayan.

Pinaghahanap ng search and rescue team ng Phil Coast Guard at Bucas Grande ang isa pang nawawala na si Brian Gonzales.

Base sa police report na isinumite sa Camp Crame, nagkatuwaan ang mga biktima na mag-swimming sa nasabing lugar dahil sa holiday noong Biyernes kaugnay ng pagdiriwang ng pagkamatay ni dating Senador Benigno Aquino Jr.

Binalya ng malaking alon ang bangka at pinasok ng tubig bago unti-unting lumubog.

ACIRC

ANALOU ENAGO

ANG

AYANIE ELANDAG

BARANGAY TARUC

BIYERNES

BRIAN GONZALES

BUCAS GRANDE

CAMP CRAME

JOSHUA MASCARDO

LARA DACERA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with