Retiradong pulis, nag-suicide

CAVITE, Philippines – Pinaniniwalaang despresyon ang isa sa motibo kaya kusang nagpasalubong kay kamatayan ang  53-anyos na retiradong pulis matapos itong magbaril sa sarili sa kanilang bahay sa Barangay Kaytapos, bayan ng Indang, Cavite kamakalawa ng umaga. Dalawang tama ng bala ng baril sa dibdib ang tumapos sa buhay ni Isaias Lontoc ng nabanggit na bayan. Sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus City, huling namataang buhay ang biktima na kausap ang kanyang misis na si Leonila kung saan pinapahatid sa eskuwelahan ang kanilang anak. Gayon pa man, pagbalik ng misis sa kanilang bahay ay natagpuan ang biktima na nakaupo sa sahig na may tama ng bala sa dibdib. Nabatid na may ilang araw na ring napapansin ng misis  ang pagkabalisa ang kanyang mister at hindi rin mapagkatulog.

Show comments