Porac may P3-M pondo mula sa DILG

Ipinakita ni Porac Mayor Condralito Del Cruz ang liham at Seal of Good Local Governance mula sa DILG matapos itong mag-qualify sa ilalim ng Performance Challenge Fund. GARY BERNARDO  

PAMPANGA, Philippines  – Nakatakdang tumanggap ng P3 mil­yon bilang incentive fund ang lokal na pamahalaan ng Porac mula sa Department of Interior and Local Government (DILG) matapos itong mag-qualify sa ilalim ng Performance Challenge Fund (PCF).

Sa liham na ipinadala ng DILG noong Hulyo 21, 2015 kay Porac Mayor Condralito Dela Cruz, nakapasa sa Good Financial Housekeeping ang lokal na pamahalaan sa magkasunod na taon kung saan maaaring gamitin ang pondong insentibo para sa mga proyekto.

Nakamit ng lokal na pamahalaan ng Porac ang Seal of Good Housekee­ping noong 2012 at Seal of Good Local Governance noong 2014.

Ibinibigay sa mga lokal na pamahalaan ang SGLG kung may maayos na pagganap sa internal housekeeping partikular sa fiscal management, transparency, accountabi­lity at performance management.

Nakikipag-ugnayan na si Porac Mayor Dela Cruz sa Sangguniang Bayan sa pa­ngunguna ni Vice Mayor Dexter David kaugnay sa mga proyekto na paglalaanan ng nasabing pondo.

Kabilang sa mga proyekto na kailangan ang pinansiyal ay ang mga barangay kung saan nakasentro sa programang pangkabuha­yan, pangkalusugan at pang­kaunlaran.

 

Show comments