Pusher tiklo sa drug bust

CAVITE, Philippines  –Rehas na bakal ang binagsakan ng 31-anyos na drug pusher matapos itong maaresto sa inilatag na drug bust operation sa Barangay Datu Esmael Dasmariñas City, Cavite kahapon ng umaga. Pormal na kinasuhan ang suspek na si Abdulmomet Dida-Agun, driver, at nakatira sa Block 29 Lot 20 sa nasabing barangay. Ayon kay P03 Daisy Diones,sinalakay ang bahay ng suspek sa bisa ng search warrant kung saan nasamsam ang 22 plastic sachets ng shabu, 26 plastic bag ng pinatuyong dahon ng marijuana, 1 kilong marijuana, cal. 45 pistol, cal. 38 revolver, electronic digital weighing scale at mga bala ng baril.

 

Show comments