Ina nag-suicide, anak isinama sa hukay

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang matinding depresyon ang nagtulak sa 40-anyos na ina na mag-suicide matapos itong uminom ng lason at idinamay pa ang kaniyang 9-anyos na anak na lalaki sa Barangay Janipaan Oeste sa bayan ng Cabatuan, Iloilo kahapon ng umaga.

Kinilala ang mag-ina na sina Lucia Marte at anak nitong tinukoy lamang sa palayaw na Boy.

Sa ulat ng Iloilo PNP na isinumite sa Camp Crame, dakong alas-8 ng umaga nang makita ng kanilang kapitbahay na si Leo Coronado ang mag-ina na kapwa bumubula ang bibig at hinang-hina sa kanilang bahay sa nabangit na barangay.

Ayon sa imbestigasyon, sumilip sa bintana ng mag-ina si Coronado upang kumustahin ang mga ito nang matanawan ang mag-ina na kapwa bumubula ang bibig.

Dahil dito ay napilitan namang humingi ng tulong si Coronado sa mga kapitbahay na puwersahang binuksan ang bahay ng mag-ina.

Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang mag-ina pero idineklarang patay.

Natagpuan naman sa bahay ng mag-ina ang tasa ng kape at dalawang sachet ng Lanit Insecticide na pinaniniwalaang inihalo ng ina sa kape.

 

Show comments