^

Probinsiya

11 nalason sa rice cake

Pilipino Star Ngayon

CEBU CITY, Cebu, Philippines – Umabot sa 11-mag-aaral sa Hipodromo Elementary School sa Barangay Hipodromo, Cebu City, Cebu ang nalason makaraang kumain ng rice cake at mais sa kanilang school kamakalawa. Naisugod sa Cebu City Medical Center ang mga biktimang may edad na 6 hanggang 12 kabilang na ang isang kindergarten pupil matapos makaranas ng pagsusuka, pagkahilo at pananakit ng tiyan. Nabatid na isa sa mga guro ang hindi nagpaalam sa school principal na si Romeo Lisondra na magtitinda ng rice cake at mais para sa mga mag-aaral. Gayon pa man, inako naman ng nasabing eskuwelahan ang gastusin sa ospital at gamot para sa mga biktimang mag-aaral. Samantala, tatlong mag-aaral na lamang ang binigyan ng intravenous fluid para sa dehydration habang ang iba naman ay binigyan ng pedialyte at oresol para sa rehydration.  Sa kasalukuyan ay hinihintay na lamang ang resulta mula sa sangay ng Food and Drug Administration sa sinuring pagkain na nakalason sa mga mag-aaral. Freeman News Service

ANG

BARANGAY HIPODROMO

CEBU

CEBU CITY

CEBU CITY MEDICAL CENTER

DRUG ADMINISTRATION

FREEMAN NEWS SERVICE

GAYON

HIPODROMO ELEMENTARY SCHOOL

NABATID

ROMEO LISONDRA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with