Mag-ina inararo ng killer truck

Duguang nakadapa ang biktimang si Ruby Santiago matapos itong salpukin ng 10-wheeler truck na minamaneho ni Edgardo Napile habang nagmomotorsiklong kaangkas ang anak na estud­yante sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa Dasmariñas City, Cavite kahapon ng umaga. Cristina Timbang

CAVITE, Philippines – Sinalubong ni kamatayan ang 44-anyos na ina habang kritikal naman ang anak nitong lalaki matapos araruhin ng 10-wheeler truck ang kanilang motorsiklo sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa Barangay San Agustin 2,  Dasmariñas City, Cavite kahapon ng umaga. Pisak ang bao ng ulo ng biktimang si Ruby Santiago habang kritikal naman ang 14-anyos na anak na si King James Santiago na kapwa nakatira sa Phase 1, Parklane Subdivision sa Barangay Santiago, bayan ng General Trias, Cavite. Sa imbestigasyon ni PO2 Paulo Figueroa, magkaangkas  sa motorsiklo ang mag ina patungong eskuwelahan para ihatid si King James nang salpukin ng truck (USZ 610) na minamaneho ni Edgardo Napile ng Barangay Wawa, Nasugbu, Batangas. Tumilapon ang mag-ina habang nahaharap naman sa kasong kriminal ang 44-anyos na driver ng truck.

Show comments