NORTH COTABATO, Philippines – Nag-selfie muna bago magpasalubong kay kamatayan ang 19-anyos na college student matapos itong magbigti sa kanilang bahay sa Purok 3, Barangay General Luna sa bayan ng Carmen, North Cotabato noong Sabado ng hapon.
Sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Bernard Tayong, spokesman ng Cotabato PNP office, kinilala ang biktima na si April Rose Jimenez, graduating student sa USM at nakatira sa nasabing bayan at anak ng dating barangay chairman.
Huling namataang buhay ang biktima na nagpaalam na gagawa lamang ng thesis para isumite sa nasabing unibersidad bago magtapos.
Nabatid na tumuntong sa mono block chair ang biktima bago nagbigti kung saan nag-selfie pa ito na may lubid sa leeg base sa narekober na cellphone ng dalaga.