Financier sa minahan nirapido

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - Nakikipaglaban kay kamatayan ang 35-anyos na mister na financier sa minahan matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins sa kahabaan ng highway sa Purok 2, Barangay Sta. Rosa Sur sa bayan ng Jose Panganiban, Camarines Norte kahapon ng umaga. Nagtamo ng mga tama sa likuran  ang biktimang si Arnel Morada ng Sitio Itlogan, Barangay Batobalani sa nasabing bayan. Sa police report na isinumite sa Camp Simeon Ola, kaangkas ang biktima sa motorsiklong minamaneho ni Christian Rubio patungong minahan nang ratratin ng tandem pagsapit sa nasabing lugar. Sinisilip ng pulisya ang anggulong may kinalaman sa pagiging financier ng biktima sa minahan.

 

Show comments