State-of-the-art hospital itinayo sa Meycauayan

Mayor Joan Alarilla

BULACAN, Philippines  - Isang state of the art hospital ang itinatayo ng Meycauayan City government upang maserbisyuhan ang mga residente sa lalawigan ng Bulacan.

Ayon kay Mayor Joan Alarilla, ang Meycauayan General Hospital na si­nimulang itayo noong 2013 ay matatapos na ngayong 2015. 

Ang pagtatayo ng nasabing ospital ay aprubado ng City Council ng Meycauayan, Sangguniang Panlalawigan ng Bulacan at sinuportahan ng mga barangay chairmen sa pangunguna ni Association of Barangay Council President Manny Alarilla.

Ang dalawang-palapag na ospital na nasa Bulac, Barangay Malhacan ay mayroong 200 patient beds.

Maging ang mga ma­kabagong medical equipment ay palalagyan ito partikular na ang magnetic resonance imaging (MRI), CT scan at full-diagnostic laboratory.

Maaaring isagawa ang mga minor at major surgery sa nasabing bahay-pagamutan.

 

Show comments