Magbiyanan nirapido, kritikal

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines  – Kasalukuyang nakikipag­laban kay kamatayan ang magbiyanan matapos itong ratratin ng di-kilalang lalaki sa loob ng kanilang karinderya sa Barangay Sinippil, bayan ng Reina Mercedes, Isabela kamakalawa.? Sa police report na nakarating kay P/Senior Insp. Richard Babaran, hepe ng Reina Mercedes PNP, nakaupo sa loob ng karinderya si ex-Barangay Chairman Antero Bagullo nang lapitan at pagbabarilin kung saan nadamay din ang 24-anyos na manugang nitong si Gretchen Bagullo. Palakad na lumabas sa karinderya ang gunman na animo’y walang naganap na pamamaril habang isinugod naman sa Isabela United Doctors Medical Center sa Cauayan City  ang magbiyanan. Sinisilip ng mga imbestigador ang anggulong alitan sa lupa ang isa sa motibo kaya naganap ang pamamaril.

Show comments