Karnaper arestado

ANGELES CITY, Pampanga, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng 37-an­yos na lalaki na sinasabing sangkot sa carnapping matapos itong masakote sa inilatag na operasyon ng pulisya sa Barangay Sto. Domingo, Angeles City, Pampanga kamakalawa. Sa police report na isinumite kay P/Supt. Gemma C. Vinluan, hepe ng Public Information Office ng Angeles City PNP, pormal na kinasuhan ang suspek na si Bryan Dingal y Dela Cruz na gumagamit ng alyas Bryan Pabalan, at nakatira sa Barangay Bical, Mabalacat City. Hindi na pumalag ang suspek matapos isilbi ang warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Irin Zenaida S. Buan ng Regional Trial Court Branch 56 sa kasong carnapping na may piyansang P.180 milyon para sa pansamantalang kalayaan.

Show comments