May-ari ng internet café, kinatay

STAR/File photo

NORTH COTABATO, Philippines – Pinaniniwalaang pagnanakaw ang isa sa motibo kaya pinagtataga hanggang sa mapatay ng  mga di-kilalang lalaki ang 60-anyos na may-ari ng internet café sa Barangay Poblacion, bayan ng Magpet, North Cotabato kahapon. Sa police report na natanggap ni P/Insp. Felix Fornan, hepe ng Magpet PNP, kinilala ang biktima na si Isidro Vesillas Alpas ng nasabing barangay. Napag-alamang tiniyempuhan ng mga kawatan na isasarado na ng biktima ang kanyang computer shop sa pamilihang bayan saka isinagawa ang krimen. May pa­latandaang nanlaban ang biktima bago mapatay kung saan nawawala ang mga personal na gamit nito at malaking halaga. Pansamantalang hindi muna isiniwalat ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga suspek habang isinagawa ang follow-up operation.

Show comments