Inhinyero dedo sa tandem

NUEVA ECIJA, Philippines – Pinabulagta ang 64-anyos na electrical engineer makaraang ratratin ng riding-in-tandem gunmen sa kahabaan ng Sta. Rosa-Dingalan Road, malapit sa pamilihang bayan ng Sta. Rosa sa Barangay Cojuangco, bayan ng Sta. Rosa, Nueva Ecija noong Martes ng umaga. Idineklarang patay sa Nueva Ecija Doctors Hospital ang biktimang si Romeo Callanta ng Barangay Butas na Bato sa bayan ng Dingalan, Aurora habang hindi naman idinamay ang kasamang babae na si Jinky Francisco. Base sa police report, tinatahak ng dalawa ang nasabing kalsada sakay ng Mitsubishi Adventure na may plakang NXI-402 nang sundan at pagbabarilin ng tandem. Blangko naman ang pulisya sa motibo sa pamamaslang habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Show comments