Rumatrat sa magka-live-in, tiklo

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines  - Nasakote ng pulisya ang 24-anyos na matadero na nakapatay sa magka-live-in sa bayan ng Talavera, Nueva, Ecija matapos ang inilatag na operasyon sa Barangay Sta. Maria, bayan ng Echague, Isabela kamakalawa. ?Sa ulat na isinumite kay P/Supt. Narcisco Paragas, hepe ng Intelligence Branch ng Isabela PNP, nahaharap sa kasong murder at frustrated murder ang suspek na si Anthony Sarile sa sala ni Judge Nelson Tribiana ng Baloc Regional Trial Court. ?Sa pahayag naman ni P/Senior Insp. Roderick Corpuz, hepe ng Talavera PNP, si Sarile ang  itinuturong bumaril kina Rose Esguera, meat inspector at Noel Tabuga matapos ang pagtatalo sa palengke ng Talavera noong Pebrero 2014. ?Ibiniyahe na si Sarile pabalik ng Nueva Ecija upang harapin ang kinakaharap na kaso.

Show comments