Drug pusher dedo sa shootout

CAVITE, Philippines – Napatay ang sinasabing notoryus drug pusher matapos itong makipagbarilin sa mga operatiba ng pulisya sa kahabaan ng kalsada sa Barangay Asis 3, sa bayan ng Mendez, Cavite kamakalawa. Kinilala ang napatay na si Bernardo D. Torres ng Barangay Mahabang Kahoy sa bayan ng Indang, Cavite at nasa talaan ng pulisya na ika-20 most wanted person sa nasabing bayan. Base sa police report na isinumite sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus City, iniwasan ni Torres ang inilatag na PNP checkpoint kaya hinabol siya ng pulisya. Gayon pa man, habang nagmomotorsiklo ay pinutukan ni Torres ang mga ope­ratiba kaya gumanti naman ng putok. Umabot sa ilang minuto  ang habulan hanggang sa mapatay si Torres. Narekober kay Torres ang isang motorsiklo na walang plaka, cal. 38 revolver at dalawang plastic sachets ng shabu.

Show comments