Bunso kinatay dahil sa ulam

Philstar.com/File

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Pinagtalunang ulam ang isa sa motibo kaya napatay ang 45-anyos na bunso matapos itong pagtatagain ng kanyang nakatatandang kapatid sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Embarcadero, bayan ng Juban, Sorsogon kamakalawa. Hindi na umabot pa ng buhay sa Juban Municipal Health Center ang biktimang si Andes Gumba habang nasakote naman ang suspek na si Edgardo Gumba, 52, kapwa nakatira sa nasabing barangay. Sa ulat ng pulisya, lumilitaw na magkasamang nag-iinuman ang magkapatid nang sumiklab ang pagtatalo dahil sa ulam na itinira ng kanilang ina. Dahil sa pagkalango sa alak ay napikon ang suspek kaya naganap ang pananaga.

Show comments