^

Probinsiya

Shootout: 3 suporter ng political clan, utas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Magkakasunod na napatay ang tatlong suporter ng political clan na tinangkang atakihin ang bahay ng ex-Army ranger makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa Pagadian City, Zamboanga del Sur noong Biyernes.

Namatay habang ginagamot sa ospital sina Samrani Talumpa “Badi” Liwas, 24; Kusi Ampatu Guimba, 54; at si Arham Palte Salindat.

Sugatan naman si P02 Hazel Manuel at ang mag-utol na sina Nhoc Talumpa, 20; at Amerudin Talumpa, 18.

Arestado naman ang 27-anyos na suspek na si Mo­hammad Guilly Paluwa.

Sa police report na nakara­ting kay P/Chief Supt. Glenn Dulawan, rumesponde ang pangkat ng PNP sa nasabing lugar matapos makatanggap ng ulat na aatake sa bahay ni Roberto Ambona ang mga supporter ni Talumpa para ipaghiganti ang pagkamatay ni Lible.

Sa ulat ni Lt. Col. Au­die Mongao, spokesman ng Army’s 1st Infantry Division, lumilitaw na tinangkang lusubin ng mga supporter ni ex-Laba­ngan Mayor Okol Talumpa ang bahay ni Ambona sa Barangay Tulawas.

Ayon sa pulisya, si Ambona ay isinasangkot sa pagpatay sa pamangkin ng nasabing mayor na si Lible Talumpa noong Huwebes.

Nasamsam sa mga suspek ang  tatlong cal. 45 pistol, pickup truck at tatlong motorsiklo. Isinalin sa Tagalog ng patnugot

ACIRC

AMBONA

AMERUDIN TALUMPA

ANG

ARHAM PALTE SALINDAT

BARANGAY TULAWAS

CHIEF SUPT

GLENN DULAWAN

GUILLY PALUWA

HAZEL MANUEL

INFANTRY DIVISION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with