2 mangingisda putol-kamay sa bomba

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - Naputulan ng mga kamay ang magkaibigang mangingisda makaraang sumabog ang bomba na kanilang ginagamit sa pangingisda sa karagatang sakop ng Barangay Viga sa Tinopan Island, bayan ng Rapu-Rapu, Albay kahapon ng umaga. Naisugod sa Sorsogon Provincial Hospital ang mga biktimang sina Wenifredo Ebuenga, 31; at Salvador Borejon, 28, kapwa may asawa at mga nakatira sa Barangay Morocborocan sa nasabing bayan. Sa ulat ng pulisya, pumalaot ang magkaibigan para manguha ng mga isada gamit ang pampasabog subalit isa sa bomba na kanilang gagamitin ay biglang sumabog bandang alas-9 ng umaga. Kaagad na sumaklolo ang ilang mangingisda kung saan kaagad na isinugod sa pagamutan ang magkaibigan.

Show comments