Mag-utol kinatay, pinugutan ng akyat-bahay

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng magkapatid na dalagita matapos itong pagsasaksakin ay pinugutan pa ang isa sa dalawa  ng mga Akyat-Bahay Gang na lango sa droga na  nanloob sa kanilang bahay sa Purok 4, Barangay Santor sa bayan ng Rizal, Kalinga kamaka­lawa.

?Sa police report na isinumite kay P/Senior Insp. Elmo Aspilan, hepe ng Rizal PNP, kinilala ang mag-utol na sina Karen Joy Gazzingan, 13, halos humiwalay ang ulo sa katawan; at Melizza Gazzingan, 8, Grade 2 pupil.?

Ayon sa pagsisiyasat, pinagtangkaang molestiyahin ng mga suspek ang nakatatandang biktima base sa mga palatandaan sa biktima. ?

Ayon sa mga magulang ng biktima, kagagaling lamang nila sa sakahan nang matagpuan ang karumal-dumal na sinapit ng kanilang mga anak sa loob ng bahay. ?

Pagnanakaw ang isa sa motibo ng mga nanloob dahil sa nawawalang pera ng pamilya na nagmula sa pinagbentahang palay ngayong tag-ani. Habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments