2 bading dedo sa ambush

NORTH COTABATO, Philippines – Bulagta ang dalawang bading na beautician habang nakaligtas naman ang kasamahan ding bading makaraang tambangan ng dalawang di-kilalang lalaki sa Purok Upper Liberty sa bayan ng Banga, South Cotabato kahapon ng madaling araw. Kinilala ang mga napatay na sina Winncy Agtas Estorninos ng Barangay Rizal Poblacion Banga; at Jeonor Makay Dericho ng Barangay Zone 4, Surallah, South Cotabato habang sugatan naman si Eugene Caballero. Sa inisyal na ulat ng pulisya, pauwi na ang mga biktimang magkakaangkas sa motorsiklo mula sa panonood ng bikini show nang tambangan ng dalawang lalaki na lulan ng dalawang motorsiklo. Nagawang makaligtas ni Caballero makaraang gumapang sa palayan sa gilid ng kalsada. Narekober sa crime scene ang anim na basyo ng bala ang cal. 45 pistol.

Show comments