MANILA, Philippines – “Itigil na po ninyo ang giyera. Sa halip na kaguluhan ang inyong suportahan, sana po sa edukasyon po kayo mamuhunan.”
Ito ang pahayag ni Norombai Utto, 16, class valedictorian ng Hadji Salik Kalaing National High School sa kanyang graduation speech ngayong Lunes.
Sa nagtapos na 49 estudyante, walang nag-akala sa kanila na maidaraos ang graduation rites dahil sa kaguluhan sa kanilang lugar.
Hiniling ni Utto na sana ay araw-araw na lamang ang kanilang graduation para walang operasyon ang militar kontra sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters.
"Itigil na po ninyo ang giyera. Sa halip na kaguluhan ang inyong suportahan, sana po sa edukasyon po kayo mamuhunan, at nang kaalaman at hindi takot ang maging pundasyon ng kapayapaan ng ating bayan. Sa totoo lang po, naiisip ko na sana araw-araw na lang ang graduation, dahil walang military operation," wika ng valedictorian na napaluha dala ng kanyang emosyon.
“Even then, I would still wish for a total end to hostilities,” Utto said in between sobs.
Samantala, naniniwala ang ama ni Utto na si Faisal na matatapos din ang kaguluhan hindi lamang sa kanilang lugar kundi sa buong Mindanao.
“We want to live normal lives. We want our children to pursue their studies undisturbed by conflicts,” ani ng ama.
Libu-libong pamilya ang apektado ng kaguluhan sa Maguindanao kung saan napipilitan sila na lumikas upang hindi madamay.
Iginiit ng gobyerno na naniniwala pa rin mauuwi ang lahat sa kapayapaan.