May kasong kriminal, itinumba

CAVITE, Philippines – Bulagta ang 25-anyos na mister na sinasabing may nakabinbing kasong kriminal matapos itong pagbabarilin ng di-kilalang lalaki sa Barangay Paliparan 2 sa Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng umaga. Limang bala ng cal. 45 pistol ang tumapos sa buhay ni Mark Joseph Ocenaf ng Blk 65 Lot 1 Phase 1 Mabuhay 2000 sa nasabing lungsod. Ayon sa pulisya, ang biktima ay may nakabinbing kasong kriminal sa bayan ng Balayan, Batangas. Narekober sa crime scene ang ilang basyo ng bala ng baril habang patuloy ang pagsisiyasat.

Show comments