NORTH COTABATO, Philippines – Tinatayang aabot sa P2 milyon halaga ng ari-arian ang naabo makaraang masunog ang bodega ng Lapanday Foods Corporation na pinaglagyan ng abuno, kemikal, power spray at vacuum kahapon ng madaling araw. Sa pahayag ng bisor ng nasabing kompanya na si Ruel Molina, kabilang sa nasunog ay ang genset unit, buong opisina habang hindi naman nadamay ang packing house ng bodega dahil sa makapal na karton. Iniimbestigahan naman ng pulisya ang pagkawala ng guwardiya na si Sainudin Nilong na nagbabantay sa planta. Binaklas na ang ilang kagamitan ng Lapanday Foods Corporation sa Koronadal City, Polomolok, South Cotabato kung saan pansamantalang itinigil ang operasyon dahil sa nasunog na bodega.