Mag-utol nalunod sa lawa

NUEVA ECIJA, Philippines – Magkasunod na sinalubong ni kamatayan ang magkapatid na menor-de-edad makaraang malunod sa Pantabangan Lake sa Barangay Liberty, bayan ng Pantabangan, Nueva Ecija noong Martes ng hapon. Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Ivy Aquino, 13; at Ferdinand, Aquino, 11, kapwa nakatira sa Block 2, Barangay East Poblacion sa nasabing bayan. Huling namataang buhay ang mag-utol na nagpaalam sa kanilang lola na bibisita sa mga kaklase noong Lunes. Subalit natagpuan ng mga kaanak ang bangkay ng mag-utol na palutang-lutang sa Pantaba­ngan Lake noong Martes. Pinaniniwalaang nagkayayaan ang mag-utol na maligo sa nasabing lawa kung saan naganap ang pagkalunod.

Show comments