Mangingisda grabe sa dinamita

STAR/File photo

MANILA, Philippines - Nakikipaglaban kay kamatayan ang 65-anyos na ma­ngingisda matapos masabugan ng dinamita sa  karagatan ng Barangay Tigtabon, Sacol Island sa Zamboanga City kamakalawa ng hapon. Nasa Zamboanga City Medical Center ang biktimang si Marajan Gaspar sanhi ng tinamong grabeng pagkalapnos ng katawan. Ayon sa imbes­tigasyon, lulan ng bangka ang biktimang nangingisda gamit ang dinamita nang biglang sumabog sa kamay nito. Sinaklolohan naman ng mga kasamahang mangingisda ang biktimang duguan na nakahandusay sa kaniyang bangka. Sa inisyal na imbestigasyon na bago pa man maihagis ng matanda ang dinamita sa illegal na pangi­ngisda ay pumutok na ito  sa kanyang kamay.

 

Show comments