Alalay ni Marwan, arestado

Philstar.com/File

MANILA, Philippines - Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang isa sa mga bomber at alalay ni Malaysian terrorist na si Zulkifli Bin Hir, alyas Marwan sa Misamis Occidental, kamakalawa ng gabi. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, isinailalim na sa tactical interrogation ang suspek na si Abdulmalik Sali na sinasabing miyembro ng Al-Khobar Group. Si Sali na isinasangkot sa pambobomba sa Kidapawan City, North Cotabato at Digos City, Davao del Sur noong 2006 at 2007ay nadakip ng pulisya sa inilatag na checkpoint sa kahabaan ng highway sa bayan ng Panaon bandang alas-5:30 ng hapon. Sa tala ng pulisya na si Sali ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest  sa mga kasong multiple murder, multiple frustrated murder, at multiple attempted murder.

 

Show comments