Army corporal dedo sa ambush

Sinusuri ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang duguang katawan ni Army Corporal Bugarin matapos itong ratratin ng riding-in-tandem gunmen sa Barangay Macapilapil, bayan ng San Ildefonso, Bulacan kahapon. Kuha ni APSN/Boy Cruz  

BULACAN, Philippines  – Napaslang ang 40-anyos na corporal ng Phillipine Army na sinasabing may nakabinbing kasong kriminal matapos itong tambangan ng motorcycle-riding assassins sa kahabaan ng highway sa Barangay Macapilapil, bayan ng San Ildeponso, Bulacan kahapon.

Nagtamo ng mga tama ng bala ng baril ang biktimang si Corporal Dante Bugarin, tubong Panga­sinan at nakatalaga sa 7th Infantry Division sa Camp Ramon Magsaysay, Palayan City sa Nueva Ecija.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nagmomotorsiklo ang biktima sa kahabaan ng highway nang sundan at pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen bandang alas-2:30 ng hapon.

Ayon kay P/Supt. Angel Garcillano, hepe ng San Ildefonso PNP,  si Bugarin ay sinasabing may nakabin­bing kaso kaugnay sa nakawan sa piggery farm sa Tarlac noong Pebrero 2015.

May teorya ang mga im­bestigador ng pulisya na pinatahimik  ng mga kasabwat sa kasong robbery ang biktima.

Narekober sa crime scene ang walong basyo ng bala ng cal.45 pistol at cal. 9mm pistol habang patuloy naman ang imbestigasyon.

 

Show comments