Jail guard itinumba

Jail guard itinumba

MANILA, Philippines – Patay ang isang jailguard matapos pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga armadong motorcycle riding in tandem sa naganap na ambush sa kahabaan ng national highway ng Brgy. Tagbuyacan, Santiago, Agusan del Norte kamakalawa.

Kinilala ni CARAGA Police Spokesman Supt. Martin Gamba ang nasawing biktima na si Jail Officer 3 Ricardo Limen, 55-taong gulang, aktibong miyembro ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at nakatalaga sa Cabadbaran City District Jail.

Base sa imbestigas­yon, sinabi ni Gamba na kasalukuyang lulan ang biktima ng magkahalong berde at itim nitong Honda Wave 100 patungo sa direksyon ng Surigao del Norte nang sundan  ng dalawang salarin na magkaangkas sa motorsiklo at nakasuot ng helmet saka pagbabarilin dakong alas-10 ng umaga sa lugar.

Nagawa pang ma­isugod ang biktima ng mga nag­respondeng operatiba ng pulisya pero idineklara na itong dead-on-arrival sa Cabadbaran District Hospital­.

Narekober naman sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol at patuloy rin ang imbestigasyon sa motibo ng krimen.

Show comments