Stude kinalasan ng gf, nagbigti

NORTH COTABATO, Philippines - Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 21-anyos na estudyante na sinasabing kinalasan ng kanyang syota matapos itong magbigti sa kanilang bahay sa Digos City, Davao del Sur kamakalawa. Bandang alas-8 ng umaga, kahapon nang makita na lamang na nakabigti ang biktimang si Jeric Vincent Baraba sa loob mismo ng kanilang banyo. Sinubukan pa ng pamilya na mailigtas si Jeric subalit idineklara itong patay ng mga doktor. Sa inisyal na imbestigasyon, bago maganap ang insidente ay tulala ang biktima dahil sa labis na pagdaramdam matapos hiwalayan umano ng kanyang nobya. Ikinalungkot naman ng pamilya Baraba ang nangyari sa biktima dahil hindi na nito matutupad ang hinihintay na pag-graduate at pagpasok sana ngayong Abril.

Show comments