MANILA, Philippines - Pinalaya na ng mga bandidong Abu Sayyaf Group ang isang negosyanteng Chinese na dinukot noong Pebrero 15 sa lalawigan ng Sulu. Sa ulat ng Joint Task Group Sulu, kinilala ng biktima na si Haja Dengkim Yap kung saan pinalaya bandang alas-9 ng gabi sa bisinidad ng Jolo Wharf, Port Area sa nasabing lalawigan. Bumagsak naman ang kalusugan ng biktima sa mahigit isang buwang pananatili sa kuta ng mga bandido at pinaniniwalaan ding may kapalit na ransom ang paglaya nito na iniimbestigahan pa ng pulisya. Nabatid pa na ang biktima ay sinundo ng kaniyang mister at sumakay ng KC Beatrice ferry boat patungong Zamboanga City. Magugunita na dinukot ang biktima sa pantalan ng Jolo saka isinakay sa Toyota Tamaraw na nagsilbing getaway vehicle.