Jailbreak: 2 preso pumuga

STAR/File photo

CAVITE, Philippines – Dalawang preso ang nakatakas matapos na lagariin ang rehas na bakal ng kanilang kulungan kamakalawa ng umaga sa bayan ng Ternate, Cavite. Kasalukuyang tinutugis ng mga awtoridad ang dalawang preso na si Danilo Jacinto at Emily Santos na kapwa may kasong droga at walang piyensang inirekomenda. Sa pagsisiyasat ng pulisya, nadiskubre ni PO3 Rodrigo Anit Tanag­ras ang jailbreak matapos mag-ingay ang mga kasamahang preso ng dalawa sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Ternate. Nalalagay naman sa balag ng alanganing masibak sa puwesto ang ilang opisyal ng pulisya dahil sa naganap na insidente.

Show comments