4 arestado sa P.265-M shabu

STAR/File photo  

BULACAN, Philippines – Arestado ang apat na kalalakihan na sinasabing mga notoryus na tulak ng shabu sa inilatag na buy-bust operation sa Barangay Saluysoy, Meycauayan City, Bulacan kahapon ng madaling araw. Pormal na kakasuhan ang mga suspek na sina Mamao Nassed, 28; Banis Sultan, 18; Anwar Ismael, 30; kapwa nakatira sa Medallion Subd., Barangay Saluysoy; at si Jude Navarra, 30, ng Nortville 3, Brgy. Bayugo. Sa police report na isinumite kay P/Supt. David Poklay, isinagawa ang buy-bust operation laban sa mga suspek dakong alas-2:30 ng madaling araw. Nasamsam ang P265,000 halaga ng shabu, anim na plastic ng shabu at ang mark money na ginamit sa operasyon.

Show comments