3 mag-aaral pinakain ng teks ng guro

QUEZON, Philippines - Nahaharap sa balag ng alanganin ang isang guro makaraang ireklamo ng pangmamaltrato ng tatlong estudyante sa bayan ng Burdeos, Quezon.

Dahil sa takot ng mga bik­timang itinago sa mga pangalang Mark, 7; Brian, 6; at si Mikjo, 7, ay inabot pa ng isang buwan bago natuklasan ang ginawang pagpapakain sa kanila ng teks ng kanilang gurong si Edemil de Claro.

Batay sa ulat ng pulisya, ini­reklamo ni Mark kasama ang kanyang ama ang kanilang guro ng paglabag sa RA 7610 dahil sa pagpapakain umano sa kaniya at dalawang kaklase ng laruang teks ng kanilang guro noong February 6, 2015.

Nabatid na habang abala sa pagtuturo ang guro sa mga estudyante ay abala rin naman ang tatlong biktima sa paglalaro ng teks.

Tatlong beses umanong sinaway ng guro ang mga biktima subalit binalewala  hanggang sa mainis ito at kunin ang mga teks at isinubo sa mga biktima.

Hindi pa nakukunan ng pahayag ang suspek upang ipaliwanag ang kanyang panig kaugnay sa isinampang reklamo laban sa kanya. Tony Sandoval

 

Show comments