Hospital hinoldap: P1-M limas
MANILA, Philippines - Umaabot sa P1 milyong halaga ang natangay matapos holdapin ng tatlong armadong kalalakihan ang isang hospital sa Barangay Sanito, bayan ng Ipil, Zamboanga Sibugay noong Biyernes ng hapon.
Sa ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Crame, ang mga suspek ay nagpanggap na pasyente sa provincial hospital nang pumasok at dalawa naman sa mga ito ang nagsilbing lookout sa labas.
Gayon pa man, agad na tinungo ng mga holdaper ang kahera na si Marieta Jangad kung saan tinutukan ito ng cal. 45 pistol saka nagdeklara ng holdap.
Nabatid na kasalukuyang nagpapasuweldo ang kahera sa mga kawani ng ospital nang biglang sumulpot ang mga holdaper kung saan walang nagawa ang kahera kundi ibigay ang pera na laman ng safety vault.
Tumagal lamang ng ilang minuto ang panghoholdap bago mabilis na nagsitakas ang mga suspek lulan ng dalawang motorsiklo tangay ang malaking halaga. Joy Cantos
- Latest