Retiradong pulis nagbaril sa sarili

NUEVA ECIJA, Philippines - Pinaniniwalaang desperado sa sakit na diabetes ang 76-anyos na retiradong pulis kaya kusang nagpasalubong kay kamatayan matapos itong magbaril  sa sarili sa kanyang bahay sa Purok L.O Francisco, Barangay Bangad sa Cabanatuan City, Nueva Ecija noong Miyerkules ng gabi. Bandang alas-10 ng gabi nang matagpuang may tama ng bala ng cal. 38 revolver sa dibdib ang biktimang si retired SPO4 Constancio San Diego sa loob ng palikuran. Ayon sa pamilya ng biktima, matagal na umanong iniinda nito ang komplikasyon ng sakit na diabetes sa kabila ng serye ng gamutan. “Parang hopeless na ang biktima sa nadaramang masasakit sa katawan nito kaya ito nagpakamatay,” ayon pa sa kaanak ng biktima.

Show comments