1 utas sa rambulan sa party

QUEZON, Philippines - Nabahiran ng dugo ang masayang birthday party makaraang magkarambulan ang mga bisita kung saan napatay ang isa  habang tatlo naman ang nasugatan sa Sitio Abadil II, Barangay Cawayan 1, bayan ng San Francisco, Quezon kamakalawa ng gabi. Namatay sa tama ng saksak sa katawan si Jelito Cresido, 48, may-asawa, magsasaka habang naisugod naman sa ospital ang mga sugatang suspek na sina Kagawad Noel Carabuena, Ramil San Jose, at si Rey de la Cruz. Sa ulat ng pulisya, nagpa-birthday party ang manugang na babae ng biktima sa kanilang bakuran nang dumating ang mga suspek. Gayon pa man, ilang minuto ang nakalipas ay nakipagtalo ang mga suspek sa grupo ng kabataan. Nagpaputok ng baril si Kagawad Carabuena kaya nilapitan at sinaway ito ng biktima subalit sinaksak naman siya ng dalawang kasamahan nito. Dahil sa kaguluhan ay nagpulasan ang mga bisita habang ang mga suspek naman ay pinagtulungang saksakin ng grupo ng kabataang kanilang nakaalitan. Tony Sandoval

 

Show comments