Misis pinatay sa sakal

NUEVA ECIJA, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 23-anyos na misis matapos itong halayin ay sinakal pa ng di-kilalang lalaki na sinasabing adik sa droga sa loob ng kubo sa Purok 6, Barangay Magsalisi sa bayan ng Jaen, Nueva Ecija kamakalawa ng umaga. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Jennifer Labrador ng Purok 4, Barangay Sta. Teresita, bayan ng Sta. Rosa, Nueva Ecija. Ayon kay Dr. Joseph L. Rayo, medico legal officer, ang biktima ay namatay sanhi ng asphyxia by strangulation o pinatay sa sakal ang biktima. Ayon sa pulisya, dahil sa post-mortem examination sa biktima ay tinututukan ang anggulong ni-rape muna ang misis bago sinakal hanggang sa mapatay. Christian Ryan Sta. Ana

 

Show comments